Sunday, May 28, 2006

corny pero panalo!!

for the past three weeks i was a total wreck! i couldn't recall how many times i found myself crying my eyes out, allowing myself to let my problems burn me inside out. sobrang nagpatong patong na, ang dami dami ko nang iniisip (at hindi lang isa yan na iniisip ko maraming beses. as in maraming bagay talaga.)! =(

buti na lang may mga taong mahilig magpadala ng jokes! yeah yeah i know it's so "duh" and "corny", but the heck, it made me laugh! and for me, sobrang big deal na yon pag napatawa nyo ko pag may bumabagabag sa akin. sharing it with my best friend makes it even better! Ü

so i just want to share with you here the "corny" jokes forwarded via text message by my friends. pasensya na, mababaw akong tao eh! hihihi! Ü
----------------
----------------

Anong apelyido ni "cedie"?...
... eh di "PLAYER"!

"cedie player"!!
-------------------

dalawang magkaibigan kumakain..
Mark: Anong palaman ng tinapay mo?
Jeff: Kiso.
Mark: Kiso? ano ka ba? Nakakahiya ka! para kang bisaya! hindi yan kiso, CHESS yan!
-------------------

SAYINGS TO LIVE BY:
1) birds of the same feather are of the same birds...
2) do not do unto others what you can't do...
3) an apple a day is not an apple at night...
4) when the cat is away the mouse is alone...
5) if others can do it, don't help...
6) tell me who your friends are & i'll tell you mine...
7) early to bed & early to rise makes you sleepy in the afternoon...
8) ang ilog na tahimik ay malalim, ang ilog na maingay may naglalaba...
-------------------

Ahas 1: makamandag ba tayo?
Ahas 2: ewan, bakit?
Ahas 1: nakagat ko dila ko kanina eh.
-------------------

Bobo: pare hulaan mo pangalan ko, nagsisimula sa letter F!
Pare: felix?
Bobo: hindi!
Pare: francis?
Bobo: mali parin!
Pare: o sige, siret na........

Bobo: EFREN!
--------------------

Anak: itay, mag ingat kayo sa DANKTRAK...
Tatay: anong danktrak?
Anak: un pong trak na sampu ang gulong na karga buhangin...
Tatay: di danktrak un, tanga! TENMILLER!!
--------------------

Nanay millipede: Hoy! Ano ka ba naman! kanina pa kita pinabibili ng suka, di ka pa rin umaalis!

Anak millipede: Kita niyong nagtsi tsinelas pa eh! Apurado kayo ah!
--------------------

Di ka ba makatulog pag umiinom ka ng kape?
BALIGTAD TAYO!

ako, di makainom ng kape pag natutulog!
--------------------

If i had only one friend left, i want it to be.....

...TWO!
--------------------

Lumilindol ng malakas... nagkagulo ang lahat at nagpanic... Sumigaw ang isang lalake...

"KATAPUSAN NA, KATAPUSAN NA!!"

sumgot ang isa pang lalake...

"TANGA, AKINSE PA LANG!!"
---------------------

bakit ganon?
"malalaman mo lang na important ang 1 tao, pag nawala na siya sayo"
sana baligtad na lang...

"oyas ayis an alawan gap, oat 1 gna tnatropmi an gnal om namalalam"
Anu daw?!?!!
---------------------

Anak: itay, bibili ako ng band peper.
Itay: Anak, wag kang bobo ha? hindi "band peper" ang tawag dun!
Anak: Ano po ba?

Itay: KOKONGBAN!
---------------------

Aso ko bright masyado, tanungin mo 2+2 kahol kaagad ng 4. Nalaman ng neighbor namin tinanong 2 million + 2 million hanggang ngayon kahol pa ng kahol. Payat na sya. Please pray...
---------------------

Pag nakahanap ka ng new friend at iwan mo ako ok lang kahit masakit... friend kita at dun ka masaya... pero pag nakita kitang umiiyak ito lang masasabi ko...

"FRIEND, SIPON MO LUMOLOBO..."
---------------------

Amo: Chalk ito para mamatay ang ipis. Gamitin mo sa pader.
Maid: Yes, Ati!
... Sumunod na araw, nagulat ang amo sa nakita nya sa pader...

EPIS MAMATAY KAYONG LAHAT!!!!!
---------------------

buhay ay nagkaroon ng ku--- ng dumating ka. ang tagal kong pinagisipan kung ano ung missing word, sa wakas nalaman ko na! buhay ay nagkaroon ng....

..... KULOR...
---------------------

eto sorry, one of the immortal ERAP jokes, pero natawa talaga ako pramis! forwarded via email.
-------------

Sa panliligaw ni ERAP, mahilig siyang sumulat ng coded love messages tulad ng:

ITALY - I truly adore and love you
SASAYA - Stay as Sweet as you are

Para lalong bumilib and kanyang nililigawan , sinikap niyang gumawa ng "love letter" na gamit and alphabet:

ABC - Always Be Careful
DEF - Don't Ever Forget
GHI - Go Home Immediately
JKLM - Just Keep Loving Me
NOPQRSTUVW - No One Perfectly Quite Romantic Should Treat U Very Well

Napa-"Whew!" at pinagpawisan si ERAP. Tatlong titik na lang an g natitira... XYZ.

Pinag-isipan ito nang husto ni ERAP. Makalipas ang ilang oras, napangiti siya at pinalakpakan ang kanyang sarili bago
sinulat ang:

XYZ - Xee You Zoon!!
-------------------

bentang benta to sakin, sobra!! hahaha! Ü

hay, the bright side of life... Ü

No comments: