Thursday, May 29, 2008

LP #3 Ihip ng Hangin


May kwento kung bakit ito ang napili kong litrato para sa tema ngayong Huwebes...

Ito ay kuha noong mabakasyon ako sa Boracay kamakailan lamang kasama ang aking ka-opisina. Kami ay nagpapahinga at nagpapa- tan at sa isa sa mga kainan na walang tao, para libreng libre ang upuan at payong sa tabing dagat. Nag order lang kami ng pagkain at inumin para kahit ilang oras kami doon ayo ok lang.

Sobrang init nitong araw na ito. Kaya't laking gulat na lang namin nang bigla na lang lumakas ang hangin at nilipad ang iba naming mga gamit. Kasama na ring nilipad ang napaka laking payong na ito na aming sinisilungan at walang tigil na nagpa gulong gulong sa buhangin. Nagulantang ang serbidor ng kainan at dali daling hinabol at sinagip ang nililipad na payong. Ang galing ni manong! Hahaha!

Sa lakas ng hangin, kaya nitong dalhin ang malaki at mabigat na payong na ito.

9 comments:

ScroochChronicles said...

nakakita na din ako ng tinangay ng payong..sa edsa..yung nagbebenta ng payong. buti sinagip sya nung nagbebenta ng yosi..hehehe :D

happy LP!!

cookie
http://scroochchronicles.blogspot.com/

Anonymous said...

Naka experienced na rin ako ng tinangay ng malakas na hangin ang payong ko, sa kalagitnaan ng bagyo at malakas na ulan..hu hu basang sisiw

Have a nice day!

fcb said...

hehehe...ang kulit!

btw...i found a place that'll be perfect for us! meet you for lunch or coffee soon! pepper lunch ulit?? haha :D

Anonymous said...

haha!! at least payong lang ang nilipad :)

Haze said...

i love the payong!! :)

Anonymous said...

kakaloka...nakakatawa talaga na nakakahiya kasi kung ang iyong payong ay inililipad ng hangin :))

hay! magandang araw sa iyo.

Ambo said...

ako ilang beses naman nabiktima ng payong gang dito sa pinas hehehe. happy weekend po!

Anonymous said...

madalas akong mabiktima dati ng bumabaligtad na payong pag bumabagyo at tinatangay ng hangin ang aking payong. nakakahiya minsan kasi baka isipin ng mga tao cheap ang payong ko, haha!

pero buti wala naman tinamaan nung hinangin yung payong niyo! ang laki pa naman. :D

Anonymous said...

wow! ang lakas nga ng hangin. eh ang laki nung payong eh!

ganda ng kuha!

happy weekend!